Rizal Technological University Senior High School 1 Kabanata I SULIRANIN AT SANDIGAN NITO Ang tao ay may pangangailangan sa pang araw-araw o ang tinatawag na basic needs. Ito ay ang pagkain, tirahan, mga kasuotan, at ang tulog. Lubhang mahalaga ang mga ito dahil kapag wala ito ay maaaring ‘di maging maayos o ‘di kumpleto ang pamumuhay ng isang indibiduwal. Ang tulog ay isang simpleng routine natin sa pang-araw-araw, ngunit ang simpleng routine na ito ay may malaking naiaambag sa katawan o kalusugan para tayo ay mabuhay. Dahil sa mahalaga ito, hindi dapat natin ito isang-tabi. Sa panahon ngayon, marami na ang mga ‘di natutulog ng maaga, na siyang hindi dapat. Ang ‘di pagtulog ng maaga o sa tamang oras ay mga masasamang epekto sa ating kalusugan. Ayon sa Pang-Masa (2013), minsan, kahit gusto mong matulog ng maaga ay hindi mo ito magawa dahil sa iba’t ibang kadahilanan. May mga taong hindi makatulog dahil sa sobrang pagod, hindi kasi bumababa agad ang adrenalin sa kanilang katawan bunsod ng sobrang aktibidad sa kanilang ginawa sa buong maghapon. Kaya lang, anuman ang maging dahilan, dapat ay naibibigay mo sa iyong katawan at isip ang tamang pagpapahinga, dahil kung hindi, tiyak na dadapuan ka ng iba’t ibang sakit gaya ng diabetes at sakit sa puso. Narito ang mga masasamang epekto ng kakulangan sa tulog.