1. Ano a ng buong pangalan ni Jose Rizal? José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o si Jose Rizal ay mayroong napakaraming propesyon dahil na rin nga ito sa kaniyang pagiging sobrang talino. Isa siyang doctor (siruhano sa mata), makata, mandudulan mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhinyero, magsasakang negosiyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo, tagasalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista, polemista, manlalaro, manlalakbay, at propeta. Isang maliwanag na gabi ng miyerkules noong Hunyo 19, 1861 ipinanganak si Rizal sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Nalaman ito dahil sa isinalaysay niya: “Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19,1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang araw bago ang kabilugan ng buwan. Miyerkules noon at ang pagdating ko sa lambak naito ng luha ay muntik nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipolo, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon.” Relihiyosa masiyado ang kaniyang ina, piyesta noon ng San Jose ng ipinanganak si Jose. “Jose” ang ipinangalan sa kaniya dahil sa deboto ang ina kay San Jose. Si Jose ay may lahing instik dahil ang kaniyang lolo ay isang intsik na si Domingo Lamco. “Pepe” ang tawag sa kaniya noon. Edad tatlong araw palang siya ay pinabiniyagan na siya ng kaniyang pamilya ng Kura Paroko na si Padre Rufino Collantes na isang Batangueno noong Hunyo 22 sa Catholic of Calamba. Isa sa mga ninong niya ay si Padre Pedro Casanas, na taga – Calamba rin at isang malapit na kaibigan ng mag-anak na Rizal. Winika ni Padre Pedro: “Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya.” Dahil napansin niyang malaki nga ang hugis ng ulo ni Jose. Hindi naman nagkamali ang Padre dahil sa kasalukuyang taniyag ang pangalan niya sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ang parokya kung saan nailathala ang mga dokumento at baptismal record ni Jose Rizal ay nasunog noong Setyembre 28 1862. Noong 1864, tatlong taong gulang palang ay natutunan na ni Jose Rizal ang alpabeto dahil sa kaniyang matiyagang ina. Ang kaniyang ina ang kaniyang guro noon. Apat na taong gulang pa lamang siya noon ay namatayan ng maaga si Jose Rizal, kinuha na ng Diyos ang kaniyang kapatid na si Concepcion na tatlong taong gulang pa lamang noong 1865. Ito ay ang unang pagkakataong tumulo ang luha niya.Natuto na siyang magbasa at sumulat noong tatlo hanggang limang taong gulang na siya. Naturuan narin siya ng Latin ni Leon Monroy na pumanaw makalipas ang limang buwan. Nang walong taong gulang na si Jose ay isinulat niya ang isang natatanging tula na “Sa Aking Mga Kabata”.Isinulat niya ito sa murang edad pa lamang. Sadyang likas na sa kaniya ang pagiging malikhain at napatunayan ito sa kaniyang tula na napakaganda ng mensahe na “mahalin natin ang sarili nating wika”.Sa edad na siyam ay nilisan niya ang Calamba upang makapag aral sa biniyan sa pagtuturo ni G. Justiano Aquino Cruz. Gumawa siya ng isang dula-dulaan noong sampung taon na siya at ito’y lubos na nagustuhan ng gobernadorcillo ng Pakil, Laguna. Tumungo naman siya sa Manila upang makapag-aral noong siya ay labing-isang gulang pa lamang. Hanggang sa nagbinata na siya at nakarating sa ikalabing limang taon. Siya ay nag aral sa Ateneo de Manila. Nakagawa na naman siya ng isang magandang piece na Recuerdo a Mi Pueblo (In Memory of My Town) na vividly described ng kaniyang kabataan sa Calamba. 2. Ano ang pangalan ng nga kapatid ni Rizal? Si Saturnina ay ang panganay.Pinakasalan niya si Manuel Timoteo. Si Paciano naman ay ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Jose. Pangalawang anak nila Franciscio at Leonora. Nag-aral siya sa San Jose College ng Manila, nagging magsasaka at nagging heneral ng Philippine Revolution. Sumunod ay si Narcisa, isang guro at musikero na nagpakasal kay Antonio Lopez. Ang pang-apat naman ay si Olympia na ikinasal kay Silvestre Ubaldo. Namatay siya dahil sa 1 Sangalang, Regine S.