Biyaheng Pampanga Ang Angeles City, Pampanga na ata ang di ko malilimutang lugar na napuntahan ko. Kilala ang Angeles City bilang Highly Urbanized City dahil sa mga naglalakihang gusali na nakatayo rito. Bukod pa rito, ang Angeles City rin ay nasa ika-15 na ranggo noong 2008 bilang isa sa mga magagandang lugar na tirahan sa buong Pilipinas ayon sa surbey ng Money Sense. Ang Angeles,Pampanga ang aking naging destinasyon noong nakaraang bakasyon. Sagot lahat ng aking pinsan na may asawang Koreano ang lahat ng gastos simula Marinduque hanggang Paranaque at Paranaque hanggang Pampanga. Isa ang byahe sa mga pangyayari na di ko makakalimutan. Umalis ako kasama ang aking kapatid, mga pinsan, tito at tita patungong Paranaque. Hapon kami ng makaalis ng Marinduque at madaling araw na ng makarating sa Paranaque. Dahil pagod sa byahe ay natulog muna kami kahit na iilang oras na lamang ay umaga na naman. Ngunit ilang oras pa lamang ang aking pamamahinga ay dumating na ang taxi na susundo saamin patungong Angeles. Gustuhin ko man o hindi ay kinakailangan na naming umalis dahil mukhang malayo-layo na naman ang aming biyahe. Habang nasa biyahe ay hindi ako naiinip dahil sa napaka-kwela at napaka-mapagbirong drayber na si Tito Obet na nagmamaneho ng taxi na aming sinasakyan. Kasama ko ang dalawa kong kapatid, isang pinsan na napakakulit, at ang aking tito papunta sa Angeles. Dahil nga first time kong makakapunta sa Pampanga, wala pa akong ideya kung gaano ito kalayo. Habang nasa biyahe ay akin namang tini-text ang aking pinsan na tutuluyan. “Mga isang oras Clify Ann L. Motol Grade 12-Watson/GAS1