THE TAMING OF THE SHREW INDUCTION: Scene 1 Maririnig ang basag na bote na hawak ng lalaking nagngangalang Cristopher Sly. Lumapit ang isa sa mga Hostess ng nasabing lugar. Sly: Akong bahala dito, aayusin ko ang aking kinalat! Hostess: Ikaw na kriminal ka! Tatawag ako ng gagapos sa’yo! Sly: Ikaw na bayarang babae ka! Walang kriminal sa pamilya ko! Alam mo bang si Richard ang isang mananakop at hari ng englatera ang pinanggalingan ko! Hostess: Hindi ka talaga magbabayad ng mga nabasag mo! Sly: Hindi. Kahit pa-singko! Kaya lumayas kana sa harap ko! Layas! Hostess: Alam ko ang karapatan ko. Isusumbong kita sa pulisya. Sly: Sige magsumbong ka! May karapatan rin ako! Hindi ako aalis dito kahit dumating pa sila. Wala akong pakialam (Nakatulog) Sumunod ang malalakas na tunog ng isang Trumpeta. Isang Lord ang dumating galing sa kanyang pangangaso. Lord: Ikaw na ang bahala sa aking karwahe. Hayaan mong makasagap ng hangin si Merriman kawa-awa na aso bumubula na ang kanyang bibig. Pakitalian din si Clouder isama ang kanyang mabunga-ngang tagapag-alaga. Kita mo bata, kung paano mabilis na naamoy ni Silver ang nasa tabi ng pader kahit hindi ganun kalakas. Hindi ko kukunin ang asong yon sa malaking halaga kung hindi magaling. First Hunstman: Sa aking opinyon, aking panginoon, mas magaling si Belman. Mabilis siyang umalulong kahit wala na ang amoy at pumangalawa pa kahit mahina na ito. Para sa akin sya po ang magaling. Lord: Wag mo nga akong lokohin! Kung mabilis ang pagkakarinig natin sa kanyang alulong mas kapakipakinabang si Belman. Pero bigyan sila ng masarap na pagkain alagaan ng maayos. Bukas na bukas ay mangagaso akong muli. First Hunstman: Masusunod, panginoon. Naglakad sa loob ang Lord at nakita si Sly na mahimbing na natutulog. Lord: Anu to? Lasing ba ito o patay na? Hala’t tingnan nyo kung humihinga pa?