Ano nga ba ang polusyon? Ang polusyon ay isang pagbabago sa kapaligiran na masamang nakaaapekto sa kalusugan ng mga halaman, hayop, at tao. Isa na dito ang polusyon sa hangin. Ang polusyon sa hangin ay sanhi ng makabagong technolohiya. Ito ay nanggagaling sa mga pagawaan, usok ng mga sasakyan. Kahit sa simpleng paninigarilyo lang at pagsusunog ng kung anu-anong bagay ay maaari ring pagmulan ng polusyong ito. Ang polusyon sa hangin ay isang seryosong suliranin ng mundo at maging ng bansang Pilipinas. Ang polusyon sa hangin ay nangyayari kapag nababago ang likas na katayuan ng hangin. Halimbawa na lamang nito ay ang paghalo ng usok, alikabok at mabahong amoy ng basura sa hangin. Ang polusyon sa hangin ay isang mabigat na suliranin na kinakailangan ng pagtutulungan ng bawat mamamayan. Bilang isang Pilipino ay tungkulin nating tumulong sa ating pamayanan kahit sa mumunting paraan. Dapat tayong makiisa dahil sa munting pagtulong na ito ng bawat tao kapag pinagsama-sama ay nagiging malaking ginhawa para sa lahat.