KABANATA 1 ANG SULIRANIN Rasyunale ng Pag-aaral Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan sa ating bansa. Mas nagkaka-intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at Malaya nilang nipapahatid ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino din ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa nating mga Pilipino na patuloy na dinadla tayo sa mas maunlad na ekonomiya. Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa epekto ng paggamit ng Facebook sa pag-aaral ng wikang Filipino ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Unibersidad ng Pangasinan. Kami ay humantong sa paksang ito dahil aming napapansin na maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga social networking sites. At amin ding napuna na dahil sa social networking sites na ito ay tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw. Nais naming malaman kung indikasyon ba ito na patuloy ang pagyabong ng ating wika. Ngunit sa kabilang dako naman, natapunan din naming ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita. Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Halaimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat- ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit noong 1