Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Panimula Ang mga tao ay talagang binibigyang importansya ang edukasyon. Tulad na rin sa kasabihang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” na sinabi ni Dr. Jose Rizal, sila ay naniniwalang ang kabataan ang daan ng pag-unlad ng isang bansa at edukasyon ang susi upang maisakatuparan ang isang layunin. Para sa kanila, ang edukasyon ay siyang magsisilbing daan para sa pag-unlad na hinihintay ng mga tao sa bansa. Subalit sa kabila nito, hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makapag-aral nang walang ibang iniintindi kundi ang magkaroon ng maayos na edukasyon. Kaya naman, ang mga kabataan ay nagsisikap ng husto upang makamit ang kanilang pinapangarap sa pamamagitan ng pagtatrabaho kasabay ng kanilang pag- aaral o ang madalas na tawaging working student. Karamihan sa mga kabataan sa panahong ito ay nagdedesisyong maging isang manggagawang mag-aaral na lamang. Kada taon, hindi rin maitatanggi ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na nagtatrabaho na ang kadalasang dahilan ay ang kakulangan sa pagtustos sa pag-aaral. Mahirap man ang magbanat ng buto habang nag-aaral ay kinakaya nila ito upang makamit lamang ang hinahangad na pagtatapos. Ang mga mag-aaral ay maaaring maging isang working student na mas pinahahalagahan ang pag-aaral o kaya nama’y mag-aaral na mas pinahahalagahan ang pagtatrabaho (Orszag, 2001). Ayon kay Hampton (2001), ang mga mag- aaral na may naiambag sa kanilang pag-aaral ay mas pinahahalagahan ito. Sinasabi dito na ang pagtatrabaho at pagsisikap ng isang mag-aaral para lamang mabigyan ng magandang edukasyon 1