Pagsulat ng Burador Ang mananaliksik ay handa nang magsulat ng unang burador ng sulang pananaliksik kung ang mga datos at mga materyales ay kumpleto. Isaalang – alang ang mga sumusunod na paalala. 1. Ihanda ang mga talaang pinag – sulatan ng mga mahahalagang ideya o konsepto na hango sa mga kaugnay na literature. 2. Isaayos ang mga datos na nakuha sa tagatugon na gamit sa paksang pinag – aralan. 3. Suriin mabu ang mga datos na nakuha at bigyan ito ng interpretasyon. 4. Itala ang mga ideya o konseptong natuklasan sa isinagawang pananaliksik. 5. Itala ang mga hakbang na ginamit sa pananaliksik. 6. Sundin ang ginawang balangkas sa pagsulat ng sulang pananaliksik. 7. Sa pagsulat, hayaan lamang na lumabas ang mga ideyang naiisip at huwag munang pansinin ang kamaliang nagagawa. 8. Balikan at basahing muli ang ginawang sulang pananaliksik. Tingnan kung ano ang dapat na idagdag at ibawas sa sulang pananaliksik.