Ang Tiwala sa Sarili Ni Apolinario Villalobos Kung may isang pinakamalakas na sandata ang isang tao, ito ay ang wala sa sarili. Hindi ito pumuputok tulad ng baril, hindi rin sumasabog tulad ng bomba. Hindi ito nakakasugat tulad ng patalim, at lalong hindi ito sibat o palaso na nakakatusok sa katawan. Mula sa puso kung saan ay nanggagaling ang lakas, dumadaloy ito patungko sa utak upang maging gabay ng tao kung ano ang nararapat niyang gawin sa pagharap sa mga unos ng buhay – mga pagsubok, upang hindi agad tumiklop ang kanyang mga tuhod kung panghinaan siya ng loob. Pinatunayan ng kasaysayan na kung minsan, hindi kailangang may malaking katawan upang manaig sa katunggali, tulad ni David na isang maliit na tao, subalit dahil sa wala niya sa sariling nagbigay sa kanya ng tapang ay napatay niya si Goliath. May mga tanyag ding lider na maliliit subalit ginagalang ng mga tauhan at kinatatakutan ng mga kalaban, tulad ni Alexander the Great, Hitler at Napoleon Bonaparte, iilan lang na mababanggit ko. Si Ferdinand Marcos ng Pilipinas ay hindi rin gaanong malaki, kaya itsinismis pang gumagamit daw noon ng “elevator shoes” upang mabawasan ang diperensiya ng taas nila ni Imelda. Lahat sila ay may malakas na wala sa sarili kaya nagtagumpay sa kanilang mithiin… subalit hindi nga lang para sa kabuhan ng nakararami dahil naging mga diktador, maliban lang kay Alexander the Great. Si Mother Theresa, na ngayon ay isa nang santa, ay mula’t sapol may malaking wala sa sarili dahil alam niyang ginagabayan at inaalalayan siya ng Diyos. Siya ay may taas lang na lampas kaun sa apat na talampakan na lalong pinababa ng kanyang pagkukuba dahil sa diperensiya niya sa likod. Sa kabila niyan, hindi siya natatakot na pumasok sa mga lugar ng iskwater. Maraming nagtapos sa kolehiyo na valedictorian o may iba pang mataas na karangalan, subalit dahil sa kawalan ng wala sa sarili ay hindi nagtagumpay sa buhay. Natalo sila ng mga nagtapos kahit sa markang “pasang awa”, subalit may malakas na wala sa sarili, kaya malayo ang narang sa buhay. Yong isang Pilipinang singer na galing sa General Santos, na bilib sa kanyang kahusayan sa pagkanta ay nagpilit na gumawa ng paraan upang makilala. Kaya basta may madaanang libreng videoke sa mall na pwedeng kantahan, banat lang siya ng banat sa pagkanta hanggang sa mayempuhan ng isang blogger, kaya nai-post siya sa you tube habang bumibirit…naging viral tuloy sa internet. Ngayon, internaonal singer na! Sa may mga mukhang hindi pang-pelikula o TV, ang kunswelo ay pag-isip na marami ang may ganyang mukhang “pambihira”. Dapat isipin na kung walang pangit, wala ring maganda o guwapo dahil walang magagamit na batayan o paghahambingan. Kaya, dapat ay may malakas na fighng spirit ang lahat ng tao, ano man ang hitsura ng mukha! At isipin lang palagi na