Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong mundo. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps. Mga Layunin May dalawang kambal na layunin ang 4Ps bilang pangunahing programa kontra-kahirapan ng administrasyong Aquino: 1. social assistance: pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pinakamahihirap na mga pamilya upang tugunan ang pangunahin nilang pangangailangan; at 2. social development: pagsira sa siklo ng kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap na kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng: o check-up para sa mga buns at batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang; o pagpupurga ng bulate ng mga mag-aaral edad 6 hanggang 14; o pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at hayskul; at o mga sesyon na tutulong sa pagpapabu ng samahan ng pamilya. Tinutulungan din ng 4Ps ang pamahalaan ng Pilipinas na matupad ang pangako nito sa Millenium Development Goals (MDGs)—ispesipiko sa pag-alis ng labis na kahirapan at gutom, sa pagkamit ng unibersal na edukasyong primarya, sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa kasarian, sa pagpapababa ng bilang ng mga batang namamatay, at sa pagpapabuti ng pag-aalaga sa mga buntis. Sakop Ipinatutupad ang 4Ps sa lahat ng 17 rehiyon ng Pilipinas, saklaw ang 79 probinsiya, 143 lungsod, at 1,484 munisipalidad. Nitong Hunyo 24, 2015, umabot na sa 4,436,732 ang mga rehistradong pamilyang benepisyaryo, kung saan 555,861 ang mga pamilyang katutubo at 221,145 ang may isa o higit pang kasaping may kapansanan (PWD). Saklaw rin ng programa ang 10,888,887 mag- aaral na edad 0 hanggang 18 taong gulang, at may average na dalawa hanggang tatlong anak bawat kabahayan. Pinili ang mga benepisyaryong ito sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), ang sistemang tumutukoy kung sino ang mahihirap sa bansa at kung saan sila matatagpuan.