De La Salle University - Dasmariñas i ANG LUWA SA DAINE: PAMAMARAAN NG DEBUSYON SA PITONG ARKANGHEL Panimula Ang bayan ng Indang ay isang bayang mayaman sa kasaysayan na matatagpuan sa lalawigan ng Kabite. Itinatag ito bilang isang bayan noong 1655 nang ito ay mahiwalay sa bayan ng Silang sa ilalim ng pamumuno ni Gobernadorcillo Juan Dimabiling. Mayroon lamang na labing dalawang barrio ang nasasakupan ng Indang noong panahon ng mga Kastila, ito ay ang Bancod, Alulod, Mahabang Kahoy, Kaykiwit, Lumampong, Dayne, Guyam, Tambo, Banaba, Buna, Kaytambog at Kalumpang. Sa ngayon, ang bayan ng Indang ay may 38 na mga barangay. Dahil sa distansya sa pagitan ng barrio ng Indang at poblasyon ng Silang, naging sanhi ito ng problema sa mga residente ng Indang at sa kadahilang ito ay humiling ang mga ito sa mataas na kinauukulan para mahiwalay na ang barrio at maging isa itong ganap na munisipalidad. Ang pangalang Indang ay hango mula sa salitang "inrang", isang puno na lumalago sa nasabing bayan. Sa panahon ng himagsikan sa Pilipinas, ang Indang ay kinilala sa rebolusyonaryong pangalan na “Walang Tinag”. (Francisco J., 2008) Sa barangay Limbon naman nadakip si Andres Bonifacio, pinuno ng Kataas-taasan Kagalang- galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), matapos na matalo sa konbesyon sa Hacienda Tejeros at nagplanong magtayo ng isang hiwalay na pamahalaan at sandatahan sa pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Isa sa