Kristine Joy V. Devilles STEM101 " KABATAAN; Sa Maagang Pagbubuntis " ni: Ronalyn Eslao Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nahahantong sa maagang pagbubuntis. Sa maagang edad ng kanilang pagdadalang-tao, alam na kaya nila ang mga responsibilidad na kaakibat nito? Alam natin na ang pagpapamilya o pagkakaroon ng anak ay hindi basta-basta lang, lalo na sa hindi tamang panahon. Ngunit sino-sino nga ba ang may kasalanan sa mga kaganapang ito? Bilang magulang, nasisiguro mo bang nagagampanan mo ang iyong responsibilidad sa iyong mga anak? Hindi kaya dahil sa inyong kapabayaan kaya malaya nilang nagagawa lahat ng anumang nais nilang gawin. Bilang mga magulang responsibilidad niyo na gabayan at payuhan ang inyong mga anak sa bawat bagay na kanilang gagawin. Mahalaga rin na kausapin sila tungkol sa tamang panahon ng pagpapamilya. Higit na makakatulong kung mismong ang ating mga magulang ang siyang nagbibigay payo sa atin lalo na sa mga usaping ganito. Mas lalo natin itong maiintindihan kapag mula sa kanila sapagkat alam na natin na napagdaanan na nila ito. Ngunit sa lahat ng ito, pinakamahalaga pa rin na maipakita ng mga magulang ang pagmamahal nila sa kanilang mga anak. Maging bukas sa lahat ng bagay upang maramdaman natin bilang mga anak na kahit mawalan man tayo ng kaibigan, may magulang tayong maasahan at matatakbuhan sa kahit anu pa man. Sa mga kaibigan, matuturing nyo bang tunay kayong kaibigan? O d kaya'y kaibigan na naghahatid lang sa kapahamakan ng isa. Alam natin na lahat tayo bilang tao ay kailangan ng kaibigan, kaibigan na kasama natin sa bawat kasiyahan at karamay sa panahon ng kalungkutan. Ngunit sino nga ba ang tunay na kaibigan? Hindi lahat ng tao ay mabuting kaibigan, may iba na kaibigan ka lng kapag meron siyang nakukuha sayo. Meron namang iba na ang lagi sinasabi'y " gawin mo kung anong makapagpapasaya sayo, at kung ano ang nasa puso mo ", kahit alam naman nilang mali ito. Oo tama nga naman, dapat tayong maging masaya para sa mga kaibigan natin, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Minsan kailangan din natin silang pagsabihan, pagsabihan sila sa kung ano man ang tama. Bilang kaibigan responsibilidad natin na isama sila sa tuwid na daan at hindi sang-ayunan ang kanilang baluktot na katwiran. Lagi nating tandaan, na ang mabuting kaibigan ay dapat laging totoo sa kahit kanino man. At bilang lalaki sa relasyong ito ikaw dapat ang nakakaalam ng limitasyon ninyo. " Respeto", yan ang dapat meron ka para sa babaeng minamahal mo. Dahil kung nirerespeto mo siya magagawa