TRADISYUNAL NA TULA Sa Aking Mga Kababata ni Dr. José Rizal Kapagka ang baya'y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, At ang isang tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin