Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] ( 19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896 ) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani. [2] Ibang pangalan: José Rizal Kapanganakan: 19 Hunyo 1861 Lugar ng kapanganakan : Calamba , Laguna Kamatayan: 30 Disyembre 1896 (edad 35) Lugar ng kamatayan: Bagumbayan (Luneta ngayon),Maynila , P ilipinas Pangunahing organisas yon: Kilusang Propaganda , La Liga Filipina Pangunahing monumen to: Liwasang Rizal Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila , at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila . Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid , Espanya , at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris atPamantasan ng Heidelberg . Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere , at ang kasunod nitong El filibusterismo .[note 1] [3] Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2] [note 3] [4] [5]