Ang Proseso ng Pagbasa Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang proseso, ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”: (1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at Semorlan, 2002). Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog. Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita. Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto. Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang da at mga bagong karanasan sa tunay na buhay. Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang nililinang at kailangang malinang dito upang magiging epekbo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at epekbong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dang kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binabasang teksto. Mga Teorya sa Pagbasa Ano ang teorya sa pagbasa? Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag- unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985). Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang mabay na pag- unawa sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa konsepto ng pagbasa. Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A) teoryang itaas- pababa (top-down), (B)teoryang ibaba-pataas (boom-up), (C)teoryang interakbo, at (D)teoryang iskema. Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down) Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas – Pababa: