Catcalling pagmumura Ang martial law ay nakakatulong sa pag puksa ng kasamaan, ngunit, minsan dito narin nagsisimula ang kaguluhan. 1. Pag-isahin ang mamamayan upang ibagsak ang sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal sa pamamagitan ng digmang bayan at tapusin ang pambansa- demokratikong rebolusyon Batay sa kanyang mga naunang pahayag, maaaring madaling sumang-ayon si Duterte sa radikal o substansyal na pagbabago sa mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema subalit hindi sa pagbagsak ng sistema sa pamamagitan ng digmang bayan. Siya ay natatangi sa pagdeklara sa sarili bilang unang Kaliwang pangulo ng Pilipinas at isang sosyalista pero hindi komunista. Nabanggit niya rin na tutol siya sa armadong pakikibaka at sa gayong diwa ay para sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at handa na makipagtulungan sa pagkamit ng batayang reporma o mayor na pagbabago. Bilang dating mag-aaral ni Prop. Jose Ma. Sison sa kanyang mga araw sa pamantasan at kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) at bilang dating kaugnay ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), nauunawaan niya na may mga kapangyarihang lumilikha ng kondisyong mala-kolonyal at mala-pyudal at siya ay laban sa dominasyon ng US at ibang dayuhang kapangyarihan, pyudal na pagsasamantala at burukratikong korupsyon. Ngunit nagdeklara siya ng pagtutol sa armadong pakikibaka. Ang tanong sa gayon ay kung maaaring matapos ang pambansa demokratikong rebolusyon na walang digmang bayan. Maaari niyang ipangatwiran na bilang presidente at commander-in-chief ng reaksyunaryong hukbong sandatahan, pulisya, at iba pang katuwang na pwersa ay may armadong lakas siya upang ipagtanggol ang mga reporma na hinihiling ng mamamayan laban sa imperyalismo at oligarkiya. Ngunit ang kasaysayan ay puno ng halimbawa ng mga mabuting lider o punong estado na sumuko sa neokolonyal at neoliberal na manipulasyong pang-ekonomiko at pinansyal, napasailalim sa kudeta ng sariling armadong pwersa o impeachment ng Kongreso sa sandaling tumawid sila sa hangganan na itinakda ng US at mga oligarko. Kung papayag siya sa mga batayang repormang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika ng NDFP, dapat sang-ayunan din niya ang pagpupukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa mamamayan upang suportahan ang isang gobyernong may pambansang