Depinisyon ng mga Terminolohiya: Ito ay mga salitang ginamit sa pananaliksik at magbibigay kahulugan sa punong ideya ng pag-aaral. Dito matutugunan ang katanungan ukol sa kahulugan ng mga mahahalagang salitang ginamit. Wika - isang bahagi ng pakikipagtalastasan . Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan . (2017) Pananaliksik- ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman . Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. (2017) Mag-aaral - siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. (2017) Pormal na Wika - mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika - gumagamit ng bokabularyo mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan - kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelekwa l. (2011) Teknolohiya - mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan , makina , kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. (2017) Salita - yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang morpema , na higit-kumulang mahigpit na sama-samang magkakaugnay, at may halagang ponetika . (2017) Wkiang Filipino - ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas — ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog , bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. (2017)