Introduksyon Walang tao ang kayang mabuhay ng mag-isa, biniyayaan ang bawat isa ng magulang, kapatid, at iba’t iba pang miyembro ng kapamilya subalit bukod sa kanila, nangangailangan ang isang indibidwal ng katuwang na magiging bahagi ng kaniyang buhay, at ito ay ang kaibigan ngunit hindi maaaring tawaging kaibigan ang kapwa ng hindi dumadaan sa proseso na naaayon dito, ito ay ang proseso ng pakikipagkaibigan ang malalim na ugat ng pakikipag ugnayan ng magkaibigan na magbibigay ganap sa pagkakakilanlan sa isa’t isa. Ang pakikipagkaibigan ay isang damdamin na nagnanais makisalamuha sa kapwa, ito ay nagsisimula sa simpleng ugnayang interpersonal, sa pagnanais ng karamay sa isang yugto ng buhay o maging sa panghabang buhay. Ang kaibigan ay hindi kaagad matatagpuan, hindi maaaring pag nakita mo ang isang tao ay mararamdaman mo na magiging malapit kayo sa isa’t isa. Ang pakikipagkaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng malalim na ugnayan ng dalawa o higit pang tao, hindi ito nakabatay sa kanilang katangian nguni’t sa mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao. Likas sa isang indibidwal na makipag ugnayan dahil siya ay panlipunang nilalang, sa ganitong paraan nagkakaroon ng iba’t ibang persepsyon ang bawat indibidwal tungkol sa pakikipagkaibigan at nagdudulot ito ng epekto o tuluyang pagbabago sa kanilang mga gawi, katangian at pakikisalamuha sa kapuwa, ang pakikipagkaibigan ay sumisimbolo ng pagmamahal mula sa mga taong malalim na nakilala ang pagkatao ng kaibigan. Ito ay isang natatanging damdamin para sa isang espesyal na tao na higit ang halaga kaysa sa ordinaryong tao na kilala lamang. Ang pakikipagkaibigan ay dumadaan sa mahaba at masalimuot na proseso ng pagkakakilanlan at dahil dito ang pakikipagkaibigan ay mayroong tatlong uri.