“MGA POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG- AARAL NG GENERAL SANTOS CITY NATIONAL SECONDARY SCHOOL OF ARTS AND TRADES” Kabanata 1 Introduksyon Panimula Maraming sites sa internet ang kadalasan na naaccess ng mga kabataan. Kabilang dito ang facebook,twitter,instagram, tumblr, at mga laro tulad ng Dota,Clash of clans at kung ano ano pa. Sa isang klik lamang ay maaari ka nang mapabilang sa isa o sa lahat ng mga to. Maraming kabataan na ginagawa ang mga social networking sites na ito bilang libangan. Pero ano nga ba ang mga negatibo at pasitibong epekto ng mga ito sa kabataan sa panahon ngayon? Unang bagay dito ay ang pagiging tamad ng mga kabataan sa pag aaral dahil sa mga sites na mayroon ay nahahati ang kanilang atensyon. Mas marami pa silang ginugugol na oras sa pag access o paglalaro kaysa sa pag aaral. Mas nagiging interesado sila sa mga bagay na makikita sa sites kesa pagtyagaan ang mga aralin sa paaralan. Dahil din sa mga social networking sites na ito ay nagiging aktibo ang mga estudyante sa latest na bagay at sa kung anong uso. Nagiging ugali nila ang makiuso sa mga sikat na nagpapabago sa kanilang mga ugali. Dahil din sa mga social networking sites marami kabataan ang nalalayo sa tamang landas. Marami sa kanila ang nalululong sa mga larong kinasisira ng kanilang pag aaral. May pagkakataon pa na hindi sumisipot ang ibang mag-aaral makapaglaro