Epekto ng Social Media sa mga tao Ang Social media ay isang uri ng aplikasyon sa makabagong telepono o puwede rin itong website sa isang kompyuter, Dahil sa pag-unlad ng makabagong teknolohiya dulot ng pag-iisip ng tao para sa isang imbensyon nakagagawa sila ng kagaya o ka- uri nito. Ito ay isang aplikasyon na kung saan ang bawat gumagamit nito ay direktang nagkakaroon ng ugnayan sa isa’t isa o higit pa. ang social media ay parte ng globalisasyon na kung saan ang bawat tao ay hindi makaka-iwas dito, dahil nga sa makabagong teknolohiya ang bawat tao ay naghahanap ng maraming pagkakaabalahan na kung saan kung ano ang nakikita nilang mayroon ang isa iniisip nilang dapat ay mayroon din silang bahagi noon, puwede rin natin sabihin sa madaling salita na kung anong trending sa panahon na ito ay dapat hindi sila napag- iiwanan, sapagkat sa panahon ngayon kailangan ay i n ka na dapat sa mga bagong nangyayari sa lipunan, isa sa malaking naidudulot ng Social media sa mga tao ay napapabilis nito ang komunikasyon ng bawat isa at dito rin ay maaari mo ng malaman kung ano na bang nangyayari sa mundong iyong ginagalawan. Dito din ay maari mong sabihin o ilahad lahat ng iyong saloobin sa buhay sapagkat sinasabi nila na ang social media ay bahagi nadin ng buhay ng tao at ito ay ayon sa isang obserbasyon. Sa kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng social media sa buong mundo at ito ay nakaaapekto sa buhay at edukasyon. Ito ay ayon sa Google.com, isang website sa internet. Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito. Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may pattern na sinusunod at ito ay ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media. Sa mga uri ng social media, ang sinasabing pinakakilala ay ang “Facebook” na kung saan ang gumagamit ay maaring magpadala ng mensahe, mag upload ng mga larawan, videos, makipagchat o makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito. Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga magulang ganoon din ng iba’t-