Kabanata 17 ang perya sa quiapo Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay Paulita. May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle. May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba . Pinagtawanan din nila ito. May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa palabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang. KABANATA 18 ANG MGA KADAYAAN Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayb upang makita ang salamin sa kanyang neto kanyang inaasahang matagpuan sa kanyang , ngunit wala siyang nakita. Ang nakita lang niya ay ang pira-pirasong mga bubog ng alak na iniinom ni Mr. pondoyo bago magsimula ang palabas. Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan niya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng salitang "Deremof" ang abo ay nabuo bilang ulo at masbubuo lang kapag binanggit ang ikalawang salita. Nabuo ang ulo nang binanggit ni Mr. Leeds ang ikalawang salita. Ang tawag sa ulo ay Espongha ngunit nagpakilala ang ulo na ang kanyang pangalan ay Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gaumata, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthis sa tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ay umibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle. Kinabukasan nagpalabas ng utos si Don Custodio na nagbabawal sa palabas dahil hindi ito kaaya-aya.