1 LA CONSOLACION COLLEGE - CALOOCAN KABANATA 1 Suliranin at Saligan ng Pag-aaral Nagpapakita ang kabanatang ito ng panimula, kaligirang kasaysayan ng pag-aaral, batayang teyoretikal, paradaym, paglalahad ng suliranin, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at hangganan at katuturan ng mga katawagan na makatutulong sa mga mambabasa upang higit na maunawaan ang isinagawang pag-aaral. Panimula Kilala ang mga estudyanteng pilipino sa kanilang kakaibang kaugalian na pinapakita sa mundo, isa sa mga hindi magagandang kaugalian ay ang pagiging huli ng mga estudyanteng pilipino, marahil nasa kultura na nga ng mga Pilipino ang pagiging huli. Ngunit sa kasamaang palad ito ang kulturang kinakailangang palitan, mas nakakabuting isipin ng mga estudyante kung ano ang mga magiging epekto ng kaugaliang ito sa kanilang buhay kung palaging ganyan ang mga mangyayari. Maraming epekto ang dinadala nitong problema. Kung magiging kaugalian na ang mga itong kasanayan nagiging malala ito na nagreresulta ng pagiging drap awt ng mga estudyante. Meron itong dinadalang positibong