PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Modyul 1 (Apat na Sesyon) Mga Hakbang ng Pananaliksik para sa Papel Pananaliksik: Pagpili ng Paksa Pamantayang Pangnilalaman: Nakasusunod sa pamantayan ng masinop na pagsulat ng pananaliksik Pamantayang Pagganap: Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at eka ng pananaliksik Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at eka ng pananaliksik F11PB – IVab – 100 1. Natutukoy ang kinalaman ng pananaw o perspekbo batay sa kinalalagyan o posisiyon ng tao sa pagbibigay nila ng magkakaibang interpretasyon sa iisang bagay. 2. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. 3. Nakapagtatala ng mga ideyang maaaring pagmulan ng tentabong paksa para sa isang sulang pananaliksik 4. Nasusuri ang mga ideyang puwedeng pagmulan ng paksa. 5. Nakabubuo ng nilimitahang paksa mula sa malawak o pangkalahatang paksa. Una at Ikalawang Sesyon (2 Oras) Simulan Nan: Pagmasdan ang mga bagay na nasa larawan. Obserbahan niyo ito at ilarawan pagkatapos. Paalala: Ipagpalagay na ang mga larawang makikita ay nakapaskil sa pisara ng inyong silid habang pinagmamasdan niyo mula sa inyong mga upuan. Ano ang bagay na inyong inobserbahan? __________________________________________ Ano ang masasabi mo tungkol sa bagay na ito? Ilarawan o iguhit mo ito sa kahon sa ibaba. Sa iyong palagay, kung ihahambing ang iyong paglalarawan sa ginawa ng isa mo pang kaklaseng nasa kabilang dulo ng silid, magkakaroon kaya kayo ng pagkakaiba? ______________________________________________________________________________ Bakit kaya nagkaroon ng pagkakaiba ang paglalarawan o interpretasyon ninyo gayong iisang bagay lang naman ang inyong inilalarawan?