EL FILIBUSTERISMO-ANG BUOD NG BAWAT KABANATA (1-39)-MGA TULONG SA PAG-AARAL-MGA TANONG AT SAGOTAng nobelang El Filibusterismo ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.Tulad ng Noli Me Tangere , ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito.Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan. Mga Tauhan:Simoun-Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulayIsagani-Ang makatang kasintahan ni PaulitaBasilio-Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni JuliKabesang Tales-Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasakana inaangkin ng mga prayleTandang Selo-Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apoGinoong Pasta-Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legalBen zayb- Ang mamamahayag sa pahayaganPlacido Penitente-Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralanPadre Camorra-Ang mukhang artilyerong pariPadre Fernandez-Ang paring Dominikong may malayang paninindiganPadre Florentino-Ang amain ni IsaganiDon Custodio-Ang kilala sa tawag na Buena TintaPadre Irene-Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang KastilaJuanito Pelaez-Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong KastilaMakaraig- Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.Sandoval-Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-a aralDonya Victorina-Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni PaulitaPaulita Gomez-Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito PelaezQuiroga-Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa PilipinasJuli-Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni BasilioHermana Bali-Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre CamorraHermana Penchang-Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni JuliGinoong Leeds-Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa peryaImuthis-Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. LeedsKabanata ISa Ibabaw ng KubyertaCopyright from http://www.joserizal.ph/fi03.htmlBuodUmaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alagang itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan silani Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang