Paksa: Mga salik na nakakaapekto kung bakit nagrerebelde ang ng kabataan sa kanilang mga magulang. Tesis: Maraming kadahilanan kung bakit ang mga kabataan ay nagrerebelde sa kanilang mga magulang. Isa na rito ang hindi pagiging bukas ng mga kabataan sa kanilang mga mismong magulang, marahil ito ang ugat na kadahilanan kung bakit hindi nauunawan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Dahil hindi nga nauunawan ng mga magulang ang mga anak nila ay nagiging sanhi ito upang mapalayo sa kanilang mga loob at dahil dito ay magdudulot ito ng mas marami pang epekto kung bakit ito magrerebelde at tuluyang lumayo sa kanilang magulang. Isa na nga sa mga kadahilanang pagrerebelde ng mga kabataan ay ang problema mismo sa magulang. Dahil ang responsibilad ng isang magulang ay mahatid ang kanilang mga anak sa tamang landas at gabayan ito patungo sa magandang kinabukasan. Samakatuwid, kung sino ang dapat na siyang mag gagabay at maghahatid sa atin sa tamang landas ay ang mismong problema o ang kadahilanan ng problema. Ang mga kabataan ay hindi maikakaila na mga ligaw at wala sa tamang landas; at magiging sanhi kung bakit mawawalan ng tamang kaugalian ang mga kabataan; sa mga kadahilanang nabanggit dito ay magiging malakas ang loob nito upang sagutin ang mga magulang at mawalan ng takot at respeto kadahilanang magrebelde ang mga kabataan.