Tamang paghihiwalay ngbasura Ang paghihiwalay ng basura ay dalawang paraan: nabubulok at hindi nabubulok.Ang nabubulok na basura ay kinabibilangan ng iba'tibang uri ng mga pagkain. Ang mga balat ng gulay ay nabubulok. Kasama na rin dito ang mga sira o panis nang pagkain at iba pa. Ang nabubulok at di nabubulok na basura o kung tawagin sa salitang Ingles ay biodegradable at non-biodegradable. Isa para sa mga nabubulok na basura gaya ng mga tira- tirang pagkain, papel, halaman at mga patay na hayop. Isa naman para sa mga di-nabubulok na basura gaya ng mga plastic container na madalas ginagamit na pambalotsa pagkain. Kasama rin sa mga di-nabubulok na basura ang mga bote, mgabakal at electronic wastes. Mahalaga ang kaalaman ng tao sabasura dahil saepekto nitosa ating kapaligiran. Halimbawa na lamang ay ang masamang naidudulot nito sa kalikasan gaya ng baha. Maaari rin itong magbigay ng sakit sa mga mamamayan. Ang wastong pagtatapon ng basura ay isang simpleng gawain na malaki ang naitutulong sa sambayanan. Ugaliin ang maayos na pagtatapon ng basura dahil kung hindi, maaring magkakatotoo ang kasabihang “Ang basurang itinapon mo ay babalik din sa iyo”. Binibigyan pansin naman ngayon ng Tabuk City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) ang pagtataguyod ng 3Rs (Reduce, Reuse and Recycle ) ng solid waste management program para sa tamaang paraan ng pagtatapon at pag-imbak ng mga basura at mga gamit na hindi na pakikinabangan. Ayon kay City Environment Officer Patricia Abibico, hinihikayat ang lahat ng Tabukeño na sa kanilang pagdiriwang ng pasko at Bagong Taon kung kalian maraming basura ang inaasah, na