Kung Paano Magiging Mabuting Tagapakinig I-pause Oras 0:11 Haba 6:19 I-mute ANG HAMON “Hindi ka naman nakikinig eh!” ang sabi ng asawa mo. ‘Nakikinig naman ako ah,’ ang sabi mo sa sarili mo. Pero maliwanag na iba ang narinig mo sa sinabi niya. Dahil dito, nagtalo na naman kayo. Puwede mong iwasan ang mga pagtatalong ito. Pero kailangan mo munang maintindihan kung bakit nakakalampas sa iyo ang mga detalye sa sinasabi ng asawa mo—kahit sa palagay mo ay nakikinig ka naman. ANG DAHILAN May iba kang iniisip, pagod ka, o pareho pa nga. Nagsisigawan ang mga bata, napakalakas ng TV, at may iniisip kang problema sa trabaho. Tapos, may sinabi ang misis mo tungkol sa mga bisita ninyo mamayang gabi. Tumango ka, pero talaga bang narinig mo ang sinabi niya? Malamang na hindi. Inuunahan mo siya. Para bang nababasa mo ang iniisip ng iyong asawa. Akala mo, may ibang kahulugan ang sinabi niya, pero wala naman. Halimbawa, baka sabihin ng asawa mo: “Mukhang napapadalas ang pag-o-overtime mo nitong linggong ito, ah.” Dahil pakiramdam mo’y pinupuna ka niya, sumagot ka: “Kasalanan ko ba? Eh ikaw itong puro gastos!” “Teka, hindi naman kita sinisisi, ah!” ang sabi ng asawa mo, na gusto lang palang magyaya na mag-relax kayo ngayong weekend. Naghahanap ka kaagad ng solusyon. “Kung minsan, gusto ko lang namang sabihin ang nadarama ko,” ang sabi ni Marcie, * “pero solusyon agad ang ibinibigay ni Mike. Hindi