SOCIAL MEDIA USER: EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL INTRODUKSYON Sa ating modernong panahon ngayun ay napakarami ng pagbabago simula noong pinakilala sa atin ang teknolohiya na may napakalaking parte ng ating buhay. Sa paggamit nito ay nagkakaroon ng mga sangay ang teknolohiya katulad na lamang ng ibat-ibang uri ng social media na ginagamit natin ngayun sa paghahanap ng trabaho, pera at iba pa. Ang social media ay tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nakikibahagi, at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang berbal na kumunidad at mga network.Sa pagdaan ng panahon ay marami ng pagbabago, kagaya ng pagkakaroon ng mga krimen at adiksyon sa ibat-ibang paraang gamit ng social media. Nagbabago ang paniniwala at tradisyon, opinyon at pananaw sa buhay. Sa pamamagitan ng gadyet ay ipinapakita ang ibat-ibang uri ng libangan na nagkakaroon ng maling epekto sa mga mag-aaral na gumagamit nito. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ang nagagamit na libangan ay ang Facebook,Twitter,Youtube,Instagram at pati na rin ang Tumblr. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa maaring dulot o epekto nito sa ating pag-aaral at pati narin sa ating pag-uugali. Dahil sa naganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang dito ang pagbabago ng pananaw ng mga estudyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya. Ang social media ay binibigyang kasanayan ang mga estudyante na gumamit na maaring maglagay sa kanila sa pagkahibang nito sa mga aplikasyon ng social media. Pinapakita din nito kung ano ang maaring maging bunga sa mga mag-aaral na gumagamit ng teknolohiya sa pag-aaral. Kadalasan naman, nawawala nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil sa oras-oras ay hawak ang cellphone at bumibisita sa kanilang account sa ibat-ibang sites. Ang ibang estudyante naman ay kumukuha ng mga impormasyon sa ibat-ibang sites, alam na nila ang tinuturo kaya hindi makuha-kuha ang atensyon ng mga estudyante. Ayon sa pag-aaral nila Basilio at Bernacer (2007), ang mga guro ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng teknolohiya, kay gulo ng kanilang isip sa larangan ng kanilang pag-aaral. Nakakalungkot isipin na ang negatibong epekto ng social media ang nangingibabaw sa mga estudyanteng unti-unting nahihigitan ang kagandahang asal at disiplina sa sarili. Dahil dito, ang mga guro bilang