KONSEPTONG PAPEL Dahilan at Epekto ng Pagiging Huling ng mga Estudyante sa Paaralan Rasyunal Ang pagiging huli ay isang suliraning nakaugalian na ng mga studyante. Sa mga estudyante, ang pagiging huli ay hindi lamang itinuturing na pagpapakita ng masamang asal. Ganito ang naging konklusyon ng isang pag-aaral sa studyante sa paaralan, ang oras na hindi nagamit dahil sa pagiging huli at sa pagliban nang walang pahintulot ay mga pangunahing dahilan ng pagkawala at pagkakaroon ng epekto sa kani-kanilang marka. Mangyari pa, hindi lamang sa mga estudyante nagdudulot ng mga suliranin ang pagiging huli. Isiniwalat ng isang surbey sa mga punong-guro ng mga paaralang sekondarya na “ang pagiging huli ng mga estudyante ang pangunahin at pinakamadalas maulit na suliranin sa pagdidisiplina.” Layunin Sa pag aaral nito, mahihinuha natin ang mga dahilan ng pagiging late ng mga mag aaral sa SCINHS at kung ano ang magiging epekto nito sa kanila. Makukuha natin dito ang bilang ng mga late o ang statistiks sa bawat seksyon o mga estudyante ng grade 11 sa paaralang ito. Makikita nila dito kung gaano kaimportante ang pagiging maaga sa pag pasok hindi lang sa paaralan kundi sa iba pang aspeto ng ating buhay na kailangan maging maaga sa pagpasok sa tamang oras. Makikita din nila sa pamanahong papel na ito ang mga impormasyon tungkol sa pagiging late, kung anong magiging epekto, kung ilan ang bilang ng mga late sa ating paaralan at kung ano ang paraan kung paano ito maiiwasan at kung pano ito mababawasan.