KABANATA 4 PRESENTASYON ,ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Ang kabanatang ito ay naglalahad ng presentasyon, analysis at interpretasyon ng mga nakalap na datos ang mga nalikom na datos mula sa mga kasagutan ng mga mag-aaral na naglalaro ng computer games sa talatanungan na ipina mahagi ng mananaliksik mula sa Grade-11 H.E.-A sa Plaridel Integrated National High School upang malaman kung may epekto ba ang paglalaro ng computer games sa pag-aaral ng studyante ng Grade-11 sa PINHS. Ang datos ay buong husay na sinuri at inilagay sa figure at talahnayanpara sa mas malinaw na interpretasyon ng pag-aaral. Ang datos ay nahahati sa limang bahagi. Ang una ay may kinalaman sa propayl ng mga tagasagot. Ang ikalawa ay ang antas ng mga tagatugon sa ibat ibang epekto ng computer games sa pag-aaral. Ang ikatlo ay tumutukoy sa mga marka ng mga tagatugon sa bawat semester. Ang ika-apat naman ay ang makabuluhang kaugnayan ng propayl ng mga tagatugon sa asignaturang filipino. Ang huli, makabuluhan kaugnayan ng ibat ibang epekto ng computer games sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa marka ng mga tagasagot sa bawat semester.