Noli Me Tangere Wednesday, May 30, 2012 Noli Me Tangere (Buong Kabanata) Kabanata I Isang Handaan Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang kanyang mapanlait na ugali. Kabanata II Si Crisostomo Ibarra Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Kabanata III Ang Hapunan Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi nagpatinag ang binata. Kabanata IV Erehe at Pilibustero Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na pinakiusapan niyang magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil wala siyang nalalaman tungkol dito. Ayon dito, ang kanyang ama ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat siya ay ginagalang ay kinaiinggitan. Pinagbintangan siyang nakapatay kaya pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Kabanata V Pangarap sa Gabing Madilim Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Kabanata VI