“ETIKA NG PANANALIKSIK” Ang Etika ng Pananaliksik ay mga gawaing sulatin o reserts kung saan humahanap ang mananaliksik ng impormasyon para sa mga problema o katanungan sa isang bansa o lugar upang masagot at mailapat ang nararapat ng solusyon dito. Ginagawa ito upang makatulong sa bansa at sa mga tao kaya nararapat lamang na ang mananaliksik ay dapat sinusunod din ang etika ng mananaliksik kung sa ang paggawa ng papel pananaliksik ay dapat may paggalang sa karapatan ng iba, pagtingin sa lahat ng datos bilang confidential, pagiging matapat sa bawat pahayag at dapat ito ay obhetibo at walang kinikilingan. Kaya kung ikaw ay isang mananaliksik dapat sumunod ka sa Intellectual Property of Rights na batas para sa lahat ng mananaliksik at makaiwas sa anumang kasong sibil at kriminal na maaring kahantungan ng isang mananaliksik.