MGA PAUNANG PAHINA Pahina ng Pamagat (Title Page) Talaan ng Nilalaman (Table of Contents) I. INTRODUKSIYON Kaligiran ng Pag-aaral/Raonale Bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Isinusulat dito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa. Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakainndihan. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ang wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamin at mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga kabilang sa LGBT. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya Paglalahad ng Suliranin/Statement of the Problem Sa bahaging ito inilalahad ang mga problemang nakikita ng mga mananaliksik sa lugar na kanilang pinag-aaralan o paksang napili. Ang mga suliraning ito ay pag- aaralan ng mga mananaliksik. Layunin ng Pag-aaral/Purpose of the Study Dito mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik. Kahalagahan ng Pag-aaral/Significance of the Study Sa bahaging ito ipinapaliwanag kung paano nakakatulong/nakakabenipisyo sa lipunan ang iyong pananaliksik. Makikita dito ang mga ‘target’ na makakabenepisyo o makakagamit sa kung ano mang resulta na makukuha sa nasabing pananaliksik. Halimbawa: Mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabad ang pagiging epekbo ng paggamit ng isinakomiks na apat na Filipino Klasiks sa pagtuturo ng Panikang Pilipino sa mga mag- aaral sa kolehiyo. Magiging makabuluhan ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod: Mag-aaral: Guro: Awtor ng supplementary materials: Paaralan: