KABANATA I A. KALIGIRANG KASAYSAYAN Ang suliranin ng pananaliksik na aming ginawa ay may layuning bigyan ng kaalaman ang mga magaaral tungkol sa mga suliranin ng isang estudyante sa kanilang pag-aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik ang mga kaalaman tungkol sa ilang suliranin ng mga estudyante sa eskwela. “Bakit nga ba karamihan sa mga estudyante ay may mababang marka o grado sa eskwela?” Ito ang pokus naming sulating pananaliksik. Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap sa internet at mga panayam sa estudyanteng nakararanas ng nasabing isyu. Maihahayag dito ang mga kapuna-punang mga suliranin pangkabataan at pang mag-aaral. Nariyan ang komunikasyon, importansya, gastusin, suliraning pampamilya at napakarami pang iba. Edukasyon ang pinakamahalagang bagay para sa ating estudyante dahil ito lamang ang bagay na maipapamana sa atin ng mga magulang. Edukasyon ang pinaka kailangan ng kabataan at ng isang tao. Ngunit bakit ilan sa mga estudyante ay hindi napagtutuunan ng pansin ang pag-aaral? Walang taong bobo subalit mayroong taong tamad. Ito ay isa sa mga kadahilanan kung bakit makakakuha ng mababang marka ang isang estudyante. Katamaran ay isa lamang hadlang upang ibagsak ang estudyante sa eskwelahan. Habang ako’y nag-iinternet sa aming bahay nakabasa ako ng isang blog patungkol sa talino ng isang tao. Nakukuha raw ang talino ng tao depende sa kung paano niya ito