Ano ang teenage pregnancy? Ang teenage pregnancy ay binigyang kahulugan ng mga diksyunaryo bilang ang hindi ginustong pagbubuntis ng isang babae sa kanyang pagdadalaga. Parami nang parami ang kaso ng teenage pregnancy lalo na sa mga bansang mahihirap tulad ng Pilipinas. Sa kasamaang palad, dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman ukol sa teenage pregnancy, marami parin sa mga kabataan ang naniniwala na hindi sila mabubuntis kahit na makipagtalik sila ng wala pa sa tamang edad at hindi pa kasal . Mga dahilan ng teenage pregnancy Ngayong nasagot na natin ang tanong na “ano ang teenage pregnancy”, mas marapat nating tuonan ng pansin ang mga dahilan sa likod ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa ngayon. Narito ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng teenage pregnancy. Peer pressure. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, ang mga teenager ay kadalasang nakadarama ng peer pressure na makipagkaibigan at maging kapareho ng kanilang mga kaedad. Sa maraming mga pagkakataon, ang mga kabataang ito ay pumapayag na maimpluwensyahan sila na makipagtalik kahit na hindi pa nila lubos na naiintindihan ang kaakibat na mga resulta ng ganitong mga gawain. ANg mga kabataan ay nakikipagtalik dahil ang akala nila ay pinagmumukha sila nitong cool at naaayon sa uso. Ngunit kadalasan, ito ay nauuwi sa hindi inaasahang pagbubuntis. Kawalang tamang gabay ng mga magulang. Ang isang kabataang babaeng ay mas malamang na mabuntis kung limitado o walang tamang patnubay ng kaniyang mga magulang. Ang mga magulang na sobrang busy ay hindi nakapagbibigay ng tamang gabay sa kanilang mga anak na gumagawa ng imporatanteng mga disiyon sa buhay, halimbawa ay sa maaagang pakikipagtalik at kung ano ang teenage pregnancy. Kapag ang isang bata ay hindi komportable na ipakipagusap ang kaniyang problema dahil sa bawal nap ag usapan ang sex sa bahay, o kaya naman sobrang busy ng kaniyang mga magulang para dito, maghahanap siya ng