Kabanata 3 DISEYO AT METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa mga hakbang na isakatuparang sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga walong pangunahing wika at wikang kultural. Matatagapuan dito ang disenyo ng pananaliksik at ang linggwistikang pagsusuri ng mga walong pangunahing wika at wikang kultural. A. DISENSYO NG PANANALIKSIK Ang naisagawang pananaliksik ay gumamamit ng deskripibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptipong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design” , na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikon ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disensyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondent. Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon.