ST. PETER’S COLLEGE OF BALINGASAG Balingasag, Misamis Oriental Taung Panuruan 2017 – 2018 IKALAWANG SEMESTRE•T.P.2017-2018•FILI 324 PANUNURING PAMPANITIKAN Pangalan: Marka: Kurso/Taon: Petsa: PAGSUSURI SA ALAMAT NG PALENDAG I PANIMULA Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang — yaman ng ating panitikan. Dito nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno. Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga (a) kuwentong - bayan, (b) kantahing - bayan (c) karunungang - bayan, at isinasama rin dito ang (d) bulong. Kuwentong bayan- batay sa artikulong isinulat ni D. Damiana Eugenio na kilala sa larangan ng Folklore sa Pilipinas, ang “Legends and Folklores” na binasa niya sa Ateneo University noong tag-init ‘79, tatlo ang mahahalagang pangkat ng mga kuwentong bayan: ang (1) mito, (2)alamat at (3) salaysayin (folktales) Ang alamat ay isang tuluyang pagsasalaysay na kaiba sa mito sapagkat itinuturing ang alamat na totoo sa mga nagkukuwento at ng mga nakikinig. Higit na una ang mito kaysa alamat. Masasabing katulad ng daigdig ngayon ang daigdig ng alamat hindi ito itinuturing na sagrado. Tao ang pangunahing tauhan. Isinasalaysay naman dito ang migrasyon, digmaan at tagumpay na nagawa ng mga bayani, hari o datu at ng mga sumunod na nanggugulo sa bayan. Nabibilang dito ang tungkol sa mga natatagong kayamanan, mga santo, mga engkanto at mga multo.