ACCESS COMPUTER AND TECHNICAL COLLEGES CUBAO 2 I KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN Introduksyon “Ang edukasyon ang pinakamalakas na sandata na kung saan maaari mong gamitin upang mabago ang mundo.” -Mandela (1993) Ang edukasyon ay isang mahalagang paraan kung saan ang isang organisadong lipunan ay nakamit ang katatagan at kasaganaan. Isa itong instrumento na nakakapaglinang ng kaisipan at kakayahan ng isang tao. Sa pamamagitan ng proseso ng edukasyon, ang mga mamayanan ay puno ng mga wastong pag-uugali, mga pamantayan at mga hangarin, na kinakailangan upang makakuha ng kaalaman at kasanayan na makakatulong sa kanila makamit ang pinakamataas na katuparan ng sarili. Ang edukasyon ayon nga sa isang lumang kasabihan ay susi ng tagumpay. Madalas na sinasabi na edukasyon lamang ang maipapamana ng kani-kanilang magulang. Naiihahalintulad ang diploma sa gintong susi ng kapalaran. Ayon nga kay Dr. Jose Rizal (1972), sa kanyang akdang tula na ang “Tanglaw ng Bayan”, sinabi niya roon na, “At kung paanong ang bulaklak na wari ba'y naluluoy ay pamuling sumisigla pag ang hangi'y sumisimoy, iyang tao KOLEHIYO NG BSOA