Kabanata 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Sa isinagawang pag-aaral, nakalikom ang mga mananaliksik ng mga impormasyon o literatura na may kaugnay sa kanilang paksa na patungkol sa mga batayan na nakahahadlang sa mga mag-aaral ng College of The Holy Spirit Manila Senior High School sa pagpili ng STEM strand. Nahahati ito sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay binubuo ng mga literaturang lokal at banyagan at ang ikalawang bahagi ay binubuo ng lokal at banyagang pag-aaral. Mga Kaugnay na Literatura Mga Lokal na Literatura Batay naman sa artikulo ni Ramos (2013), ang pagpili sa kurso ay hindi madali sa mga kabataan dahil dito nababase ang kanilang kinabukasan. Ayon sa National Center for Education Statistic, halos tatlong beses kung magpalit ng kurso ang mga kolehiyala. Mga 80% sa Estados Unidos ang nagpapalit ng kurso, ayon sa NCES (National Center for Education Statistics) . Halos tatlong beses naman kung magpalit ng kurso ang mga karaniwan na estudyante. Base sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang "MOTIVATING THE LOW-ACHIEVING TEEN", sinabi na ang mga kabataan ay kinakailangang malinaw na makita ang kanilang layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula sa magulang at guro. Ayon sa ulat ni Sagani C cruz (2014), na dapat tandaan na ang mga asignaturang ito ay may ibat ibang nilalaman, namalalaman depende sa mga sirkumstansya ng mga mag aaral ng paaralan at ng sirkumtansiya ng mga mag aaral , ng paaralan at ng nakatataas na edukasyon institustion na kung saan ang mga mag aaral ay maaring mag enrol. Ang ideya na ang "isang sukat akma sa