Ang teorya ng realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga cognive bias (kamalayang may kinikilingan) ay hindi pagkakamali, kundi lohikal at paaran ng prakkal na pangangatwiran sa pakikitungo sa "tunay na mundo". Kasáma nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak na kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognive experimenter (mga sumusubok sa kamalayan). Ang nobelang “Laro sa Baga” ni Edgardo M. Reyes ay isang nobelang may erotikong elemento na nakapanghihikayat sa mga mambabasa na huwag bitiwan ang aklat kapag nasimulan na.Ito ang nobelang tumatalakay sa pamagat nito mismo na laro sa baga. Isang gawain na kapag nasimulan ay mahirap takasan na waring sugal sa pagkatao ng isang nilalang. Ang nobelang ito ay kakikitaan ng selan sa paglalahad mula unang kabanata hanggang sa kahuli-huling pahina ng aklat. Ngunit ito’y isang napakagandang nobela na may malalim na kahulugan at maraming aral na matututunan. Tinatalakay dito kung paanong ang wasak-wasak na pakikipagrelasyon ng pangunahing tauhan sa iba’t ibang babae ay nag-ugat sa malalim na suliraning nagkukubli sa kanyang ilalim na kamalayan. Pagsusuri sa May-akda Sa ekspresibong pananaw , ipinalalagay na ang akdang pampanitikan ay ang nagsisiwalat ng isip, damdamin at personalidad ng may-akda. Sinasabing malaki ang ugnayan ng may-akda at ng kanyang akda at may mga nakatagong puwersa na nag-udyok sa isang manunulat na sumulat ng isang akdang sumasalamin sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. Ayon kina Bernat at Royle (1992:20) nagkakaroon ng relasyon ang akda sa katotohanan o sa talambuhay ng may-akda mismo. May epekto ang mga pangyayari sa kaligiran (panahon at lipunan) ng may-akda na kung saan ay lumalabas na naisisiwalat niya sa kanyang mga akda. Isang magandang halimbawa nito ay ang nobelang “Laro sa Baga” ni Edgardo M. Reyes na kung saan , ayon sa mga mananaliksik na nagtungo sa