Kabanata 31- Ang Mataas na Kawani Kabanata 32- Mga Ibinuga ng mga paskin Samu’t saring balita ang lumaganap sa buong kapuluan, subalit amg mga pahayagan sa maynila ay wala nang pinagkaabalahan ibalita kundi ang ukol sa nabunyag na patayan sa europa, pagbibigay ng karangalan at papuri sa ilang predikador sa maynila at sa tagumpay ng operatang pranses. Ang pang pangyayari tungkol sa mga naganap na katampalasanang nangyayari sa mga lalawigan ng mga tulisang pinamumunuan ni matanglawin ay bahagya na lamang ibalita. Lumalabas ang ganitong pangyayari kung ang kasangkot ay isang kastila o ang kumbento Ni hindi man lang napabalita ang nangyari kay huli. Higit pang nabigyang pansin ang pag-alis ni Padre Cammora upang manirahan sa kumbenta sa maynila. Naging Maganda pa ang imahe ng naturang prayle dahil sa pagkaawa ni Ben zayb. Tungkol naman sa nangyari sa mga kabataan, naunang nakalaya si Macaraig at ang nahuli ay si isagani pagkat natagalan bago nakapunta sa maynila si Padre Florentino. Ang tanging hindi nakalaya ay si Basilio, na nasasakdal pa sa kasalanang pagkakaroon ng mga aklat na bawal. Bagama’t pinagtatangol ng mataas na kawani si Basilio, lalo pang nakasama dahil matagal na silang may alitan ng Kapitang Heneral kaya napataw sa kaawa-awang binata ang buong bigat ng timbangan ng katuwiran. Pinangangatawan ng mataas na kawani ang pagtatanggol kay Basilio. Ipinaalala ng kawani ang tungkulin ng kapitan sa bayan, ang karapatan ng mga pilipinong mag himagsik kung sila’y pinagsasamantalahan sa halip na pairalin ang matuwid. Naging malubha ang alitan ng Mataas na Kawani ang kanyang pagbibitiw sa katungkulan.