Citizen’s Charter ng Barangay Maypulot Talaan Ng Mga Nilalaman I. Panata Ng Barangay (Pledge) II. Vision at Mission III. Pamantayan sa Uri Ng Paglilingkod ng Barangay (Service Standards) IV. Mga Pangunahing Serbisyo ng Barangay (Frontline Services) V. Pamamaraan sa Pag-alam sa Tugon ng Publiko (Feedback Mechanism) Ang Panata Ng Barangay Kami, bilang mga lingkod ng Barangay Maypulot, mga lalaki at babaeng sinanay sa tapat na pamamahala ay buong pusong namamanata na maglilingkod sa lahat ng uri ng tao na naghahangad ng pambublikong serbisyo, na may kapakumbabaan, paggalang at may kaakibat na husay at bilis, na maihatid ang makatuwirang serbisyo at paglilingkod sa abot ng aming buong makakaya. Ang Pananaw at Misyon ng Barangay Pananaw (Vision) “Continually provide and enhance the basic services and necessities of our constituents.” Misyon (Mission) “Bring to realization the visions in an enriching environment of trust, cooperation and mutual respect and through the grace of God Almighty.” Pamantayan Sa Uri ng Paglilingkod Ng Barangay • Tumugon agad sa lahat ng lumalapit na may nais itanong tungkol sa serbisyo o patakaran sa barangay sa loob ng dalawang (2) minuto. • Tumugon sa mga natanggap na sulat sa loob ng dalawang (2) araw. • Ihatid o iindorso ang mga sulat sa mga kinauukulan sa loob ng isang (1) araw. • Itala ang mga pormal na reklamo ng sinumang lumalapit sa logbook sa loob lamang ng limang (5) minuto.