1 RATED SEX ILANG KONSEPTO, PANANAW AT LAPIT SA PAGTUTURO NG PANITIKANG MAY PAGKILING SA KASARIAN Ni Prop.GLECY C. ATIENZA,Ph.D. 1 Madaling gawin ngunit mahirap pag-usapan, nang walang halong panghuhusga. Masarap pagpiyestahan sa mga umpukan. Bihirang maging talakayin sa loob ng silid- aralan samantalang paboritong “libangan” ng bayan, sa isip, diwa, at sa gawa. Isang di-maiwawaksing paksa ang talakayin sa sex at gender sa lipunan. Gayunpaman, bibihira ang mga kurso sa paaralang tumatalakay dito sa paraang ligtas sa mga panghuhusga. Ang higit pang mahirap dito ay hindi naman lubusang nauunawaan ang pinagmumulan ng mga pagpapahalaga dahil malaon nang bahagi ng ating pagkatao. Ika nga ay kinalakhan na kaya’t hindi na rin pinagkakabalahang alamin kung saan galing ang mga turing, pagpapahalaga at ang mga kaukulang gawi ukol sa sex at gnder. Sa ganito nakasalalay ang halaga ng pag-aaral ng paksang ito . Mga konseptong gabay at lapit sa pagtuturo ng kasarian ang itinoka sa aking talakayin sa umagang ito. Marami ito para sa isang oras at kalahating panayam pagkat karaniwan nang itinuturo ang paksang ito sa loob ng isang semester sa kursong G.E. sa kolehiyo. Isang hiwalay na kurso din ang pag-aaral ng mga lapit sa pagtuturo,bagay na pinag- aaralan ng ilang taon sa kolehiyo. Iba rin ang antas ng pagkilala at pagpapaunawa ng paksang ito sa antas primarya at sekundarya. 1 Ihinanada ang panayam na ito para sa “Seminar sa Pagtuturo ng panitikang Gender based” sa pagtataguyod ng KASUGUFIL, Imus Sports Complex, Agosto 22, 2015. Pinagyaman at iniangkop na bersyon ng Panayam ni Glecy C.Atienza, Ph.D para sa “Seminar sa Pagtuturo ng Gender “ ng Komisyon sa Wikang Filipino, GSIS Auditorium, Mayo 8, 2015. Si Prop. Atienza ay guro-artista-mananaliksik mula sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura,U.P. Diliman . Bahagi rin siya ng Guro sa Sining ng Bayan Inc., isang grupo ng mga guro-artistang nakalaang magsanay sa hanay ng mga guro. Email: glecycruzatienza@gmail.com/