Masamang Epekto ng Paninigarilyo sa mga Kabataan,Kalusugan at Pag-aaral Kabanata I Panimula Ang paninigarilyo ay isang bisyo na kung saan ang mga kalalakihan ang kadalasang gumumagawa at gumagamit. Sa panahong ito Malaya ng mga kabataan na gawin ang paninigarilyo kahit saan at anumang oras. Ito ay nakakasama at maari itong mag dulot ng hindi kaaya-aya sa pandinig ng mga tao sa lipunan at nag bibigay ng mga sakit sa ating katawan. Marami ng mga kabataan ang pumasok sa bisyong ito. Ang paninigarilyo ay ginawa na nilang libangan o pampalipas-oras ngunit maraming masamang ipekto ito sa ating kalusuga at pag aaral Kabatan ang kadalasang biktima ng paninigarilyo. Kahit hindi na gimagamit o gumagawa ang tao ng ganitong bisyo hindi maiiwasan ang mga dalang apekto nito sa kanya. Ang usok ng sigarilyo ay naipapasa sa mga taong katabi ng naninigarilyo. Hindi na namamalayan ng mga tao na ang usok na nalalanghap nila mula sa sigarilyo nakakasama na sa kanilang katawan. Ang masasamang epekto ng paninigarilyo ay maaaring mag simula sa maliit na karamdaman hanggang humantong sa kamatayan. Ito ay nag dudulot ng hindi maganda sa ating katawan at maging sa ating kinabukasan.