Character Profile 1. Ibong Adarna– Matulungin siya dahil lagi niyang tinutulungan ang mga mahal niya sa buhay. (Don Juan, Don Fernando, etc. at dahil dito masasabi rin na siya ay mapagmahal. Siya rin a napakahiwaga dahil sobrang dami niyang kayang gawin tulad ng pagpapagaling ng isang may sakit, nakakaalam ng mga impormasyon na hindi dapat (iyong pagtataksil). 2. Higante– Ang higante ay napakayabang dahil sabi niya na kayang kaya niya si Don Juan ngunit natalo rin ito. Masasabi rin na malakas at malakas rin ang higanteng ito dahil hindi siya magiging higante kung hindi. 3. Matandang Leproso– Ang matandang leproso ay masasabi kong maunawain dahil nang makita niya na mahirap ang lalakbayin pa ni Don Juan, ibinalik niya ang tinapay. Siya rin ay marunong tumanaw ng utang na loob dahil tinulungan niya si Don Juan dahil sa tinapay na binigay ni Don Juan at dahil sa kagandahan ng puso niya. 4. Ermitanyo (Iyong tumulong sa pagkuha ng Ibong Adarna)– Masasabing mahiwaga ang Ermitanyong ito dahil nakita muli ni Don Juan ang tinapay na ibinigay niya doon sa leproso na binigyan niya nito at nagatataka ako kung bakit alam niya kung papaano makukuha ang Ibong Adarna at alam rin niya kung ano ang nangyari sa mga kapatid ni Don Juan. Masasabi rin na sobrang matulungin ang ermitanyong ito dahil siya ang nagsabi kung papaano maliligtas ang mga kapatid ni Don Juan at pati na rin ang pagkuha sa Adarna. 5. Si Don Juan ay Mabait, matalino, matapang, mapagkumbaba, Maka- Diyos, Mapatawarin, Marespetosiya rin ay.Bunso sa tatlong prinsipe ng berbanya,Anak nina Haring Fernando At reyna Valeriana at Napangasawa Si Donya Maria 6. Si Don Diego ay Mahina, Mapagarauga, Mapagmahal, Mapag malasakit, Tahimik.Siya rin ay Pangalawa sa tatlong prinsipe ng Berbanya, Anak nina Haring Fernando At reyna Valeriana atNapangasawa Si Donya Juana. 7. Ang Mediko ay matalino, mapagmalasakit,Marespetos siya rin ay ang Mangagamot ng hari sa berbanya. 8. Si Don Pedro ay hindi nagsasabi ng totoo (sinungalin). Siya ay magaling makipag-away at malakas. Matalino rin siya. 9. Si Donya Leonara ay isang mabait na tao at tumutupad siya sa mga usapan. Siya rin ay mapagmahal na tao at magalang na tao. 10. Ang lobo ay masunurin, mabait at matulungin na hayop.