189 Appendix This secon is a brief essay on love seen from the Filipino’s perspecve. This secon discusses the genuine form of love. Quotes on love from various regions serve as framework in understanding Filipino’s psyche. Love is not just from the romanc noon but by extending one’s self to others, we become less selfish and become fulfilled. The essay is in Filipino language. Filipino exposion on love Panimula Sa papel na ito ay aking tatalakayin ang ukol sa pilosopiya ng pag-ibig ng mga Pilipino. Ang unang bahagi ay eksposisyon ng pag-ibig at ang ikalawang bahagi ay ang ebalwasyon. Ang pangatlo at panghuling bahagi ay paglalagom at konklusyon. Sa eksposisyon ay hahain ang konsepto ng pagibig sa tunay at di-tunay. Ang mga kasabihang Pilipino ay sumusuporta sa mga pananaw ukol sa pag-ibig. Mapagtutuunan ng pansin sa ebalwasyon o pagsusuri ang iba’t-ibang kaugaliang Pilipino na maaaring makaapekto sa pananaw sa pag-ibig. Eksposisyon Ang mga Pilipino ay maraming pananaw ukol sa pag-ibig. Sa malawak na pananaw ay Nahaha ang pag-ibig sa dalawang uri: tunay at di-tunay. Ang tunay na pag-ibig ay nagbibigay-kabuluhan sa buhay. Ayon sa mga Ilokano, “Aliw sa buhay ang pag-ibig.” Sabi naman ng mga Ilonggo, “Ang pag-ibig ay siyang asin ng buhay.” Tulad ng ulam na kailangang asinan, ang ang buhay ay nangangailangan ng pag-ibig upang ito’y maging lalong masaya’t kawili-wili. Sa kabila ng hirap at lungkot ng tao ay ang kasiyahan sa