Polusyon sa Hangin at ang mga Pwede Nating Gawin By ResidentPatriot on November 17, 2014 • ( 9 ) Bukod sa katiwalian, kahirapan, karahasan at nakakainis na takbo ng istorya sa mga drama sa tv, isa pa sa mga araw-araw na problemang kinakaharap ng mga Pilipino ay ang problemang hatid ng maruming hangin (air pollution) sa kalusugan natin. Lahat ay dapat mag-ingat sa mga epekto ng maruming hangin sa katawan subalit ang mga taong may mas malaking peligro sa kalusugan ay ang mga sumusunod: mga may respiratory illness gaya ng asthma, bronchitis, tuberculosis at iba pa mga may sakit sa puso mga sanggol at bata mga matagal na nasa labas (traffic police, street sweepers, sidewalk vendors, etc.) mga senior citizens mga buntis mga mahina ang immune system Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), pinakamalaking naaapektuhan ng air pollution ang mga umuunlad na bansa kagaya ng Pilipinas. At mas mataas daw ang antas ng polusyon sa mga umuunlad na syudad (gaya ng Maynila) kumpara sa mga mauunlad na syudad na kasing-laki nito. Ang nilalaman ng post na ito ay: 1. Impormasyon ng WHO Tungkol sa Polusyon ng Hangin (salin sa Tagalog mula sa orihinal) 2. Paano Mag-ingat sa Epekto ng Air Pollution 3. Paano Makakatulong Upang Mabawasan ang Air Pollution Hindi nakakatawa ang epekto ng maruming hangin sa katawan ng tao. Ingatan natin ang ating kalusugan at ang kalusugan ng mga kabataan laban sa air pollution. Ang sumusunod ay ilang bahagi na isinalin sa Filipino mula sa orihinal na impormasyong nakasaad sa website ng WHO. (Original English Article: WHO Ambient Air Quality and Health ) 1. Impormasyon ng WHO Tungkol sa Polusyon ng Hangin