Sino ang nangunguna sa mga panrelihiyong ritwal sa mga Tagalog? - Ang pinaka malapit na sagot para sa tanong na ito ay KATALONAN. Ang mga ritwal at seremonya sa pag aalay ng kanilang mga ani’t alaga sa mga anito o mga diyos ay pinangungunahan at pinasisimunuan ng mga natawag na katalonan ng mga Tagalog. Ito ay babaylang sa Bisaya. Ang mga nangununa o lider ng mga ritwal ay maaaring lalaki at maaari ring babae. Pinaniniwalaang ang mga nangungunang ito ay mga tagapamagitan sa sinasamba. Ang gampanin ng mga kababaihan bilang mga lider sa Pilipinas noong panahon ng ang mga ninuno ay inilarawan bilang mga matatatag. Ang Pilipinas noon kung tutuusin ay isang bansa ng mga matatatag na kababaihan. Sila aymaaaring tuwiran o hindi tuwirang magpatakbo sa kanilang angkan o mag anak, magpatkbo ng negosyo, at magpatakbo ng mga tanggapan ng mga hasyenda at pamahalaan. Ang mga kababaihang Pilipino ay maaari noong magkaroon ng higit na kapangyarihan sa loob ng kanyang angkan at mayroon din silang karapatang magkaroon ng kanilang sariling ari arian. Hindi lamang sa panrelihiyong ritwal sila pinahihintulutang mamuno kundi pa makilahok sa mga kalakalan at sa digmaan. Maari silang maging pinuno o makasambot ng mataas na katungkulan. Maaari rin nilang hiwalayan ang kanilang asawang lalaki. Bago masakop ng mga Kasla ang banasa, nakamit ng mga Pilipinong babae ang maging katalonan o babaylan na silang mga manggagamot at mataas na babaeng pari at astrologa sa lipunan. Ang panrelihiyong ritwal na sinasabi mo ay animism. Ang animismo ay isang katutubong paniniwala na siyang laganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo at kasama rito ang ang mga ninuno at katutubo. Isa ito sa mga relihiyon sa buong mundo. Ang isa sa mga katangian ng relihiyon o paniniwalang animismo ay ang paniniwala nilang may mga mabubu at masasamang ispirito sa ang paligid at may mga nilalang na nanali sa mundo na dapat igalang o kaya naman ay sambahin. Ang animismo ay laganap talaga sa Pilipinas noong pahanon bago dumang ang kolonyalismo ng Kasla. Sa katotohanan ay may tawag sila sa pinakamakapangyarihan nilang diyos. Ito ay si “Bathala”. Ngayon, natayang may dalawang porsyento pa rin sa mga relihiyon sa Pilipinas at mga paniniwala ang animista at karamihan na lang sa mga animista dito sa Pilipinas, sa kasalukyan, ay iyung mga pangkat na katutubo. At dahil sa sagot kong ito, pwede ka nang kumuha dito ng inspirasyon at dagdag kaalaman para sa iyong sanaysay tungkol sa relihiyon. Ang pagkakaroon ng katalonan ay isa sa mga sinaunang paniniwala ng mga Pilipino.