PANIMULA Isa ang Pilipinas sa mga bansang laganap ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot o ilegal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay ang nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kinabukasan ng mga kabataan. Sinasabing matagal ng nilalabanan ng ating gobyerno ang pagsugpo sa droga na kung saan itinuturing na matinding salot sa ating lipunan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipahayag at maipakita ang napapanahong isyu sa bansa. Nakapaloob dito ang mga kasagutan sa mga tanong at makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa paksa. Ano ang droga?Ano ba ang epekto nito sa lipunan, lalo na sa mga kabataan? Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng isang pamilya? Paano kaya hihikayatin ang mga kabataang gumagamit ng droga upang tumigil sa masamang bisyo? Nakasaad din sa pananalikisk na ito na magbigay solusyon kung paano makakatulong sa pag-iwas at masugpo ang ipinagbabawal na gamot. Ang ipinagbabawal na mga gamot, o mapanganib na mga gamot, ilegal na mga droga ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan at katawan din ng tao. Batay sa talaan ng Batas Republika bilang 9165 (Republic Act 9165) ng Pilipinas, tinatawag at itinuturing na bawal na gamot ang mga sumusunod at kanilang mga kauri: marihuwana, resin ng marihuwana, langis ng resin ng marihuwana, ang ecstacy (methylenedioxy methamphetamine o MDMA), paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxy amphetamine (TMA), liser hikong asidong dietalimo (lysergic acid diethylamine o LSD),