Gamit ng mga Bantas 1. Tuldok o Period (.) 2. Pananong o Question Mark (?) 3. Padamdam o Interjection (!) 4. Kuwit o Comma (,) 5. Kudlit Apostrophe (‘) 6. Gitling o hyphen (-) 7. Tutuldok o Colon (:) 8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;) 9. Panipi o Quotation Mark (“”) 10. Panaklong o Parenthesis ( ) 11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis (…) 1. TULDOK (.) Gamit ng Tuldok (Period) A. Ang tuldok ay ginagamit na pananda . Ginagamit din sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos. Halimbawa: a. Mag-aral kayong mabuti. b. Ang daigdig ay isang tanghalan. • Ngunit kung ang pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na dinadalawa ang tuldok. Halimbawa: a. Aalis ako sa ganap na ika-7:00 n.g. b. Si Jay ay nag-aaral sa P.S.H.S. B. Ang tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao, titulo o ranggo, pook, sangay ng pamahalaan, kapisanan, buawan, orasan, bansa at iba pa. Halimbawa: a. Si Gng. Santos ay hindi na nagtuturo. b. Si Juan K. Duran, Jr. ang ating panauhing pandangal. C. Ang tuldok ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng isang balangkas o ng talaan. Halimbawa: I. II. A. A. B. B. 1. a. 2. b. * Ngunit hindi tinutuldikan ang mga tambilang at titik kapag kinukulong ng panaklong. (a) (b) (1) (10) D. Ang tuldok ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong. Halimbawa: a. Itinatanong niya kung ako ay sasama sa Robinson. 1